Yung topic ngayon masaya. Tungkol sa saya. Ang simple diba?
Maraming bagay ang nakakapagpasaya sakin. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko bilang tao. Simpleng joke nga lang tumatawa na ako. Eto ang ilan sa mga yun:
1. Pamilya namin
Nasa Day 4 entry ko ang backgrounder ng pamilya namin. Syempre bukod sa core family (core family?!?1?!), nabibilang din ako sa isa sa pinakamasisiyahing lahi sa mundo (kasama yung mga alaga naming hayop). Malalakas uminom, malalakas tumawa, mga echosera, at marami akong bading na pinsan.
2. Kape at kwentuhan with friends
Mas gusto ko pa ang nagkakape kesa pumupunta sa mga club. Naiingayan ako at nadidiliman. Ewan, matanda na siguro talaga ako kaya ganyan. Di ko din masyadong trip yung mga outfit ng mga kabataan ngayon kasi insekyora ako bilang tao. Kulang nalang kasi takluban ko ng tablecloth yung mga balikat ng mga kabataan at sabihan ng "Isang yugyug pa iha, utong mo na ang sasayaw!"
College palang ako at yung mga barkada ko, tambay na kami sa kapihan (kahit di naman ako mahilig mag-kape), tipong tambaymuch lang at kwentuhan. Dati hinihintay pa namin magbukas ang Divisoria. Ayaw na namin maghiwa-hiwalay kasi kulang pa yung limang oras naming bonding sa kapihan.
Ang mga kaibigan kong to ay di ko na halos nakikita. Sa Twitter, text, Facebook nalang kami nagkakausap. Simula kasi magpanggabi ako, ayun. Lahat kasi sila umaga ang pasok. I love them tremendously and i miss them terribly.
![]() |
| With my friends in Singers! |
![]() |
| Eto na nga. Lasheng sa Fontana |
![]() |
| At my Soul Sistah's bridal shower |
![]() |
| With @heyheyneyney, Jes, and @paulcapundan |
![]() |
| Again, di pa kami lasing niyan |
![]() |
| The PeeVee Gang in Thailand |
![]() |
| Cagbalite Island |
Mahilig din nga pala ako sa makabuluhang usapan...actually kahit usapang balahuraan lang (basta matutuwa slash matatawa ako), game ako diyan. Interesting conversations are important in life, i believe. O diba, maka-english lang.
3. Inuman with friends
Oo inaamin ko. Malakas ako uminom. Kaya ko pa mag-maneho pagkatapos uminom ng 10 bote ng San Mig Light.
OA. Akcheli, kaya ko pa magmaneho mga hanggang walong bote kaya lang di ko ginagawa. Delikado. Pag alam kong magda-drive ako, mga tatlong beer okey na ako dun.
Pero hindi naman ako talaga member ng Samahan ng mga Tadyak Atay. Beer lang naman talaga ang tinitira ko kasi mabilis ako malasing sa tequila, gin, vodka. Grabe kasi ang epekto sakin niyan. Sumuka na ako habang nagmamaneho dahil uminom ako ng Ginebra Premium Juniper chenes. Batok ko lang ang walang latay mga teh. Hindi pinalampas ng suka ko ang vadhee ko pati ang steering wheel.
Umuwi na din akong duguan dati. Tequila naman ang salarin niyan. Post-show party sa teyatro naman ang event nun. Kitang-kita kong nagsasapakan na yung dalawang babae sa harap ko at may binasag na bar fridge yung isa. Di ko nga alam kung paano ako nakauwi. Pero pag gising ko, nasa kama ko naman ako at mahihiya ang blood bag sa dami ng dugo sa paa ko. Natanggal pala yung isang kuko ko sa paa. Nasipa by accident.
Hindi OA yan. Wag niyo akong gagayahin. After ko magsuka sa kotse habang nagda-drive, hinding-hindi ko na ginawa ang pagmaneho nang nakainom. Don't drink and drive. Please lang.
3. Bonggang-bonggang tawanan
Maraming beses na ako halos naihi kakatawa nung lumipat ako ng trabaho. Puro baliw kasi ang mga kaibigan ko dito. Pero ok lang. May banyo naman na pwede takbuhin. Yung mga barkada ko kasi sa office, lalong-lalo na ang B3tches, mahilig humirit ng mga kakaiba. Karakter lahat. Isa na diyan yung padyak-tawa moments hehehe.
Maraming naidulot na saya sa akin ang mga kaibigan ko sa office. Kulang ang isang blog entry para ikwento ito dito, at napakaraming laugh-out-loud instances na kailangang ikwento ng personal para malaman mo kung gaano sila katatalino at kakekwela.
Oo nga pala, kung gumana itong pagpapanggap ko ng pagiging eksperto sa HTML, panoorin niyo itong video sa baba. May iba pa akong ipopost na videos namin pag nadownload ko sila mamaya. Pero sa ngayon ito muna. Ilan lang yan sa mga masasayang tawa ng buhay ko.
Alam niyo kasi palipat-lipat ako ng trabaho eh. Di ako nagtatagal sa isang kumpanya. Siguro dahil na din sa parati akong late (di ako morning person, napatunayan ko na yan) hence nakakawalang gana pumasok dahil mas masarap matulog (nagdadahilan pa eh no). Ngayon na panggabi na ako at maraming kaibigan dito sa office, pinagpapasalamat ko ng malaki sa Taas yun.
Walang perpektong kumpanya at walang madaling trabaho. Aba eh kung meron niyan, sinunggaban ko na. Di din naman uubra na humilata nalang ako at kumain ng kumain. Hindi lahat ng tao ay ipinanganak para gayahin ang lifestyle ni Gretchen Barreto! Blessing talaga itong bago kong opisina.
Dati wala akong pakialam sa oil and gas industry at sa freight business. Di naman talaga interesting ang mga yan. Pero sa trabaho kasi namin, kailangan mong aralin eh. Dati nung nagsisimula palang ako dito, napipilitan ako magbasa tungkol sa mga yan. Ngayon alam ko na kung ano ang Appalachian Basin, Regulation FD, at Rispedral ang isa sa mabibisang gamot laban sa Schizophrenia.
5. PS3
Kung ang ibang tao mahilig magshopping ng sapatos, ako mahilig ako bumili ng games sa PS3. Marami akong games. Halos lahat naman hindi ko natatapos. Pero, heller, magaling ako sa mga yan. Lahat yan nasa Normal or Hard setting. Diba ibang klaseng achievement sa buhay yun?
Paborito kong laro ay Call of Duty, Uncharted, Red Dead Redemption, Silent Hill at Crysis 2...basically lahat ng first-person shooters na may kwento.
6. Kapag nagseserve ako sa simbahan
Oo nagdudulot sakin ng saya to. Naihihingi ko ng tawad ang mga kasalanan ko sa kapwa hehehe. Walang halong kaplastikan ito ha at hindi ako nagpapaka-self-righteous. Marami akong kasalanan sa araw-araw. Pero tingin ko naman hindi masama ang buong pagkatao ko. May isa akong nakatalo na nagsabi sa akin na ang simbahan daw ay para sa mga tao na nagbabait-baitan. Ang mahalaga daw hindi ka gumagawa ng masama sa kapwa mo. Ang tanong ko sa kanya ay ito: May ginagawa ka bang mabuti para diyan sa kapwang sinasabi mo?
Isama na rin natin dito yung mga nagagawa kong activities sa simbahan para sa benepisyo ng ibang tao. Sa hirap ng schedule sa trabaho dito lang kasi ako nagkakaroon ng paraan para makatulong sa kapwa. Di na rin kailangang isa-isahin dito yun. Basta ibang saya ang bigay ng mga yan sa akin.
7. Paglalaro ng board games
Hindi kasi ako mahilig gumarna, sa totoo lang. Kailangan matagal nang naplano ang lakad bago ako makaladkad palabas ng baler. Nung hindi pa uso ang video games, adik ako sa mga board games. Halimbawa diyan ay Cranium, Scrabble, Taboo, Pictionary, Clue at Monopoly. Magdamag kaming naglalaro sa bahay lalong-lao na pag umuulan. Sa katunayan, kahit nalilibang na rin ako sa PS3, mahilig parin kami maglaro ng pamilya at mga kaibigan ng mga board games. Nakakatalino daw. Kaya siguro may seven followers na ako dito sa Subok Lang. Natatalinuhan sila sa akin. Churut.
9. Byahe - may isang topic tungkol sa travel sa 30-day blogging challenge kaya di ko na ikukuwento dito ito. Ang dedemanding niyo ha. Echos!
10. Sikat ng araw or basta hindi bumabagyo
Ang laking trauma kasi sa lahat ng tao yung Bagyong Ondoy. Ako man hindi ko nakakalimutan. Marami kasi akong kaibigan na naapektuhan nung bagyong yun. Kami din naman ay hindi pinalampas. Pinasok kami sa loob ng bahay, pati mga sasakyan namin. Hanggang ngayon at malamang hanggang kamatayan ko, ipinagpapasalamat ko na pinagadya tayong lahat (kasama kayong nagbabasa nito) sa mga sakunang ganito. Mahal parin tayo ng Diyos. It's something to be happy and grateful for.
Magkahalo palang material at hindi na mga bagay ang nandyan. Wala naman sigurong masama dun. Pero ano nga ba ang kasiyahan?
Sabi ng iba kung wala kang problema, kasiyahan na yun na maituturing. Pero hindi ba't mapapaisip ka rin kahit paano?
Baka ikaw ang nagbibigay ng problema sa iba. Baka hindi ka nagdudulot ng ligaya sa mga tao sa paligid mo.
Sabi nga ng paborito kong cartoon character na si Charlie Brown, ang kasiyahan daw ay kahit sino o kahit ano na mahal mo. Totoo nga naman. Kung ano at sino ang meron kang matinding attachment ang nagdudulot ng ngiti sayo. Sana wag natin kakalimutan na mas mahalaga ang ikaw ang nagbibigay ng saya sa kapwa mo kesa ikaw ang puro kabig. Hindi naman ganon ang totoong saya sa opinyon ko.
Pero, oy, masaya din talaga yung tawa ng tawa ha. Tawa lang tayo dapat ng tawa kahit walang tao.







Wa ha ha ha. Waiting for Ellen. Biset ka Maahn!
ReplyDelete@reduy: pota hahahaha tawa din ako ng tawa nung pinapanood ko!
ReplyDeleteIe-edit ko na yung Pahiyas Pasabog mo hahahah popost ko dito
Miss Ellen, I'm a changed person po, bata pa po ako noon at mapusok lamang.
ReplyDelete@lalibby: nakita mo yung isang video? hahhahaha
ReplyDeleteNawala antok ko dito saka sa vidz ni Maahn. Kalurkz. Hanggat sa mga susunod na ganap ^_^
ReplyDelete@Yieyie Atienza: sa susunod gagawin na yung Farm dance. andun ka na!
ReplyDeleteShet, oo nga! Tinitingnan ko yung mga pics mo dito at, in fairness, may hawig ka nga kay Kate Winslet!
ReplyDelete