Saturday, September 10, 2011

30-Day Challenge: Day 5

What song inspires you the most?


Hmmm.


...ano nga ba?


Habang sinisimulan ko itong entry na ito, narealize ko na i've been missing on a lot by not being more interested in music. Malaking tulong din ang musika para makalimot sa mga bagay na seryoso. Inspirational ngang talaga. Marami din kasing mga ingay ng Maynila na gusto natin lunurin para madinig ang sarili nating iniisip...or not! 


Wala kasi akong paboritong kanta talaga.  Pero may paborito akong mga singers. And for every singer, may gusto akong kanta nila. Eto ang top 5 ko:


5. Tina Turner - who wouldn't love her? Love her voice, love her legs! Hindi naman siya tatawaging Queen of Rock and Roll for nothing.


*Favorite songs: Proud Mary, What's Love Got To Do With It, I Don't Wanna Lose You, Private Dancer


4. Sting / The Police - ganda din ng boses nitong taong to chaka ang galing mag-gitara. Also, his songs are very well-written. May pinanggagalingan lahat and oftentimes, kahit paano, you'd feel na parang para sayo yung kanta.


*Favorite songs: Fields of Gold, Fragile, When We Dance


3. Earth, Wind and Fire - i have all their concerts on DVD. Buong banda sumasayaw. They're one of the few musicians who genuinely enjoys performing sa opinyon ko.


*Favorite songs: After the Love Has Gone, Spend the Night, Every Now and Then, That's the Way of the World


2. U2 - not for anything (not even for Bono's philantrophy) pero ang galing lang din ng alegro ng mga kanta


*Favorite songs: The Fly, Even Better Than the Real Thing, With Or Without You


1. Michael Jackson - alam ng mga kaibigan ko alam kung gaano ako kabaliw dito kay MJ. Sabi nila, mahilig daw ako sa mga singer na fumafalsetto ang boses (gusto ko din kasi ang BeeGees at VST & Co).


Di ko alam. Baka it's his energy or his mere presence when he's onstage. Kahit sa DVD mo panoorin or live performance, iba eh. Only he can command a presence by just standing still. Siguro yun ang nagpa-bilib sa akin. Chaka hello, parang wala atang taong hindi siya kilala. Either plastik yun or ayaw umamin.


I Just Can't Stop Loving You, The Way You Make Me Feel, Remember the Time, Smooth Criminal at marami pang iba...lahat memorized ko. 


Kahit na magmukha akong tanga, sinasampol ko ang mga sayaw sa mga kaibigan ko. Audio CDs, original or downloaded MP3 files, meron ako niyan sa sasakyan. Hahaha naalala ko dati, nagpapaskil din ako ng poster ni MJ dati sa pader ng kwarto ko. Binili ako ng nanay ko sa palengke ng Pasig. Kasama yan ng poster ko ni Madonna at ng Menudo. 


Tingin ko hindi maikakailang orihinal akong tagahanga ni Michael (de Mesa? Charot). 


Pero hindi naman ako yung tipo ng fan who gushes about him on the internet. May mga fans kasi na ganon, yung nauuubos ang oras kakatingin ng mga idol nila sa Internet, kung anong bagong album, concert, latest Twitter update. Hindi din naman ako naiiyak kapag napapanood ko siya at tingin ko, kung sakali mang mapanood ko siya ulit, hindi naman ako hihimatayin (although i think dahil din sa siksikan ang audience kaya yung footage ng ibang fans na hinihimatay ay wagas hehehe).



Kahit wala akong kaalam-alam sa music (maliban sa ilang singers na nabanggit ko), di naman ako deprived dito. Nung bata pa ako sagana ako sa mga cassette tape ng nursery rhymes (na hanggang ngayon ay kabisado ko pa ang mga letra at tono). I was a member of the Music Ensemble from grades 3 to 5 din. Isa ako sa mga piano students noon. Madre ang nagtuturo sakin, at oo, napalo na ako ng ruler sa kamay dati para umayos ang pagtipa ng daliri sa piano keys.


Nahilig din ako sa mga love songs nung nasa high school ako. Tipong ide-dedicate mo sa crush mong tiga-Marist o kaya dun sa crush mong "hearthrob/syomboli."  Nauso pa nga dati yung bibili ka ng notebook at isusulat mo yung lyrics nung mga kanta dun tapos magsaswap kayo ng mga kaklase mo. 


Ginawa ko din yung pagrerecord ng mga Boyz II Men at 3T sa tape galing sa FM. Nakaabang ako halos magdamag sa 96.3 WROCK para mairecord ko mula intro hanggang bago magsimula yung canned spiel ng DJ. Mahal kasi ang mga CD noon at di naman uso ang pagto-torrent kaya pinapatungan ko nalang yung mga cassette tape galing Saudi na hindi pinakikinggan sa bahay. Wala naman talaga makikinig dahil mash up ni Cat Stevens at Carol King yung mga kanta...remix pa. Bukod diyan, naadik din ako sa MTV noon. Uso pa noon ang Mariah Carey at Third Eye Blind music videos. Ito yung panahon ng Chumbawumba (na sinayaw ko sa foundation day namin sa school). 



Tingin ko nga pala buhay pa si Michael Jackson. Ang dami lang niyang problema kaya nag-play dead si kuya. Wala namang imposible para sa taong gustong makamit ang minimithing katahimikan, lalo na kung may pera ka. Kung nagawa nga niyang hamunin ang gravity sa music video ng Smooth Criminal eh yun pa kayang dumuktor ng death certificate?


Eto. Kakabasa ko lang ng article tungkol kay Michael Jackson. Na-ispatan daw sa Ireland. 







7 comments:

  1. Ginagawa ko rin yung mag record ng kanta from FM! Hassle lang pag nag iintro pero dakdak pa rin ng dakdak yung DJ. Panira lang. Mga dugong pirata. Charot.

    ReplyDelete
  2. Yay second ako sa mga nag comment bilang gising pa ko hehe. Gawain ko rin yan te magpatong ng recording sa cassette tapes ng ABBA at Johnny Hates Jazz (pero jazz naman ung music nya). Those were the days :P keepitup mam
    Kain ulit tayo sa chocolate kiss ha (off-topic)

    ReplyDelete
  3. @herhayness: tomoh. pudpod na ang daliri mo kakalipat sa RecordPlay at Pause buttons hehehe

    ReplyDelete
  4. @Yieyie Atienza: hahaha natawa ako sa Johnny Hates Jazz! Yup, kain ulit tayo ng Chicken Kiev!

    ReplyDelete
  5. Okay ang makinig ng maraming songs of different genres maam, try mo rin yung iba. Masaya mag emote kapag may background music diba. Pero infairness. Hahanapin ko yang naispatan si MJ sa Ireland na issue nang mabasa rin. Pareho tayong may pinaniniwalaang hindi pa patay na tao. Kung ikaw si MJ, ako si Princess Diana. May nabasa rin akong naispatan siya somewhere. Wala lang, naichika ko lang. Hahaha!

    ReplyDelete
  6. magaganda nga kanta ni mike. mike??!! nakakaindak pa rin pag naririnig mo. Tingin mo buhay pa nga si Michael? napaisip tuloy ako haha!

    ReplyDelete