Tuesday, September 6, 2011

30-Day Challenge: Day 4

Nasubukan niyo na bang tanungin ang mga magulang niyo kung saan sila nagkakilala? Ako oo. Tinanong ko nanay ko kung saan sila nagkakilala ng tatay ko. Ang sweet ng sagot niya.


Sa basurahan daw. Hehehe bumula bibig ko kakatawa ng sinabi niya yan.


Ang totoo niyan, nagkakilala sila nung pareho silang Red Cross volunteers. Ang nanay ko nagtatrabaho bilang isang medical social worker noon. Barkada niya yung kapatid ng tatay ko. Yung tatay ko naman volunteer civil engineer na gumagawa ng mga housing project noon dito. 


Nakakita ako ng pictures nung mag-jowa pa sila. Ang nanay ko kulot. Ang tatay ko kulot din. Sa lahat ng mga picture, walang litrato na magkatabi sila kasi puro group picture. Pero lahat ng litratong yun, kitang-kita na ang tatay ko parating nakatingin sa nanay ko. Ito ang isang halimbawa:


Sila yung parehong nasa dulo sa kanan




Alam niyo, maganda kasi yung nanay ko. Pero yung tatay ko so-so lang. Kaya heto ako, malaki ang pagkakahawig ko sa tatay ko PERO medyo umayos kasi nalahian ng ermat ko.


Graduate ang tatay ko sa Central Philippine University ng BS Civil Engineering. You Only Live Twice ang drama niya sa civil engineering board...ibig sabihin, dalawang beses nag-take. Bulakbol daw kasi yun pero matalino. In short, liver lover din (ehem, may pinagmanahan!). Kwento ng lola ko, di daw nagrereview yun para sa board exam. Tatlong araw di umuuwi dahil nasa inuman, at gumagapang siya pauwi ng bahay. Ang cute diba. Magaling daw kumanta ang tatay ko at active sa arts. Member daw ng Drama Guild at parating participant sa mga declamation contest. In fairness sa kanya, pagkatapos niyang pumasa sa board, lumipad na siya papuntang Saudi para magtrabaho. Pauwi-uwi lang para rumaket ng kaunti sa local employment at magvolunteer sa Red Cross. 


Masipag ang lolo't lola ko. 11 silang magkakapatid. Ito ang litrato ng ilan lamang sa mga kapatid niya (nasa Negros kasi yung iba at nasa abroad).


Mukhang panganay yung tatay ko dito (naka-puti diyan sa harap at naka-nganga) Ewan ko kung bakit ganyan itsura niya diyan.
Bago nagmukhang matanda yung tatay ko ng severe, eto naman ang picture niya nung bata-bata pa siya.


Diba mukhang lumangoy sa loob ng Tambunting? Certified Saudi boy ito, with matching Jovan Musk na pabango!


Mahilig ang tatay ko sa video games. Sa kanya ako nag-mana. Mahilig ang tatay ko mag-dine out. Sa kanya ako nag-mana. Magaling siya sa math. Sa kanya ako HINDI nag-mana.


Ang nanay ko graduate sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga City ng BS Social Work. Ang nanay ko naman one-timer lang sa social work board exams. Nagtrabaho siya sa ospital pero di niya kinaya kasi nadedepress daw siya.Kaya lumipat siya sa Red Cross. Masipag ang nanay ko, laki sila sa hirap at nagtutulungan silang magiina para makatapos silang lahat ng pagaaral. Working student ang nanay ko noon. Sa awa ng Diyos, nakatapos siya with flying colors pa. Mahiyain daw ang nanay ko pero tambay sa peryahan kasama nung isang kapatid niya. Meron nga daw siyang sinabihan ng, "Hoy bakla, papanalunin mo naman ako!" Ayun, binato siya ng baso nung bading. Best friend din ng nanay ko yung kapatid niyang si Uncle Rudy (pag sinabing best friend ibig sabihin nun kaaway hehehe), pero mahal naman nila ang isa't-isa. Sa 7 na magkakapatid, sila sila lang naman talaga ang magdadamayan.


Narito ang picture nilang apat (nasa Daet at America kasi yung dalawa).



Yung nanay ko yung nasa pinaka-kaliwa, yung endorser ng Finale shampoo

















 Sabi ng nanay ko, ligawin daw siya nung kabataan niya. Di naman nakakapag-taka mga maam! Eto ang litrato niya nung kabataan niya.




Ang tuhray diba?




Magaling mag-ipon ng pera ang nanay ko. Stingy, ika nga. Hangga't di niya kailangan ang isang bagay, di niya yan bibilhin. Maganda din ang sense of humor ng nanay ko. Humahabol sa henerasyon natin. Marami rin kasing kaibigang bakla yun, at ayun, gume-gay speak din si Moody. Mahilig magluto yun, at naku, ansarap. Nagkaron kasi siya ng small stint sa catering noon. Gising na kami ng madaling araw para magdala ng mga lutong pagkain sa mga taping/shooting ng mga palabas sa GMA.


Nang pinanganak ako, wala ang tatay ko dito. Nagsa-Saudi nga at bumibili ng isusuot niyang kuwintas at relo para dun sa picture sa taas. Kaya siguro lumaki akong di close kay Papa. Pero habang tumanda naman ako, natutunan ko din na makipag-biruan sa kanya at videoke. Niloloko pa nga namin.


"Pa, balita ko magaling ka daw kumanta sabi ni Nanay Eca nung nasa school ka pa! Sampol naman diyan!"


Aba di nagpaawat. Sinalang niya yung Magic Mic at bumanat ng The Greatest Love Of All. Ang nanay ko naman very supportive. Sabi niya,


"Nubayan parang ginugupit na yero!"


Masaya ang pamilya namin, although di halata. Mahilig kasi magtalo ang mga magulang ko sa mga bagay na hindi naman nila dapat pinakikialam tulad ng buhay ng kapitbahay namin o di kaya'y buhay ng iba naming kamaganak. Di naman nila harap-harapang pinakikialaman, pero mahilig lang kumoment. Parehong may iba-ibang opinyon kaya ang ending sabong hehehe. Pero ni minsan hindi sila nag-away ng bongga. Maingay lang talaga dito sa bahay kapag ganyan kasi parehong malalakas ang boses...mag-talo daw ba ang Bikolano at Bisaya!


Ang partnership ng mga magulang ko, sa opinyon ko, ay walang katulad. Kapag pinagsama mo ang dalawang taong masipag at laki sa hirap, siguradong swak sa budget yan.


Pinaghandaan nilang mabuti ang edukasyon naming magkapatid. Hindi kami sagana sa mga magagandang gamit at magagarang toys, pero binigyang halaga nila na matikman namin yung mga nararapat matikman ng isang bata tulad ng maayos na tirahan at ang paisa-isang pirasong laruan tulad ng Anita doll (pekeng Barbie) at Catling (pekeng Hello Kitty). Sakto lang kasi ang sweldo ng tatay ko para sa mga simpleng laruan at Golden Book storybooks (nag early retirement kasi yung nanay ko nung ipinanganak ako kaya solong kayod si Poody). 


Ni minsan di kami nakatikim ng luho noon. Kaya rin siguro lumaki kaming magkapatid na bano sa gadget kasi saksakan ng mamahal ng mga ganyang gamit nung lumalaki kami. Pero wala man kaming magagandang laruan, hindi man kami nakapag-birthday sa McDo o Jollibee, pasahero man kami ng jeep, never kami nakaramdam ng inggit sa kapwa. Isa din kasi yun sa mga tinuro sa amin nina Mama at Papa. Ngayong nakapag-ipon na sila at kahit paano ay nakakatikim kami ng paunti-unting kasaganaan sa buhay, dahil na rin sa pagpapalaki samin alam namin na dapat ibahagi ang kung anumang biyaya ang meron kami. 


Naalala ko tuloy na sagana nga pala kami sa palo dati. Marami nang naipalo sa akin: sinturon, tsinelas, syanse, antenna, planggana. Ikinulong na rin ako sa banyo dati habang nakaluhod sa bilaong may munggo habang naka-dipa ang mga kamay at may hawak na libro. Diba pang-horror movie? 


Pero in fairness, lumaki kaming matino ng kapatid ko. Sa tingin ko naman normal akong tao. Wala namang epekto sakin yung pagkakakulong ko sa CR. Kaya naniniwala ako dun sa proverb na Spare the rod, spoil the child. Ewan ko ha, iba parin talaga ang turo ng magulang sa turo ng eskwelahan. Di ka naman iniluwal ng teacher mo, at lalong hindi alam ng teacher mo kung paano ka talaga makitungo sa labas ng paaralan. Magulang parin ang dapat nagtuturo. Responsibilidad nila yun eh. 






Ngayon, ang mga magulang ko ay may double citizenship na: Pilipino at Senior Citizen. Ang tatay ko nagtatrabaho parin sa abroad hanggang ngayon at ang nanay ko mahilig parin tumalak at maglinis ng bahay. Pero marami nang nagbago. Kami na halos ang gumagawa ng mga gawaing bahay at pinagmamaneho namin sila at parati kaming taya sa kainan hehehe. 


Siguro bago ko tapusin ang entry na ito, ang masasabi ko nalang ay hangga't nariyan ang mga magulang natin, wag na natin bigyan ng sakit ng ulo. Isa sa kinakatakot ko yung iiwan na nila kami. Pero ganon naman talaga. Wala namang imortal sa mundo. Sabi nga sa Biblia:


"Life is only 70; 80 if you're strong."


Isipin natin na habang andito sila, gumawa tayo ng bagay na ikangingiti nila sa araw-araw. 


May performance nga pala ang tatay ko para sa inyo. Heto. Enjoy!











10 comments:

  1. Idol si Poody! Ang hirap kaya ng drums sa rakban!

    In other news, masarap nga magluto nanay mo. Pag sinigang ulam niyo, pakitext naman ako.

    ReplyDelete
  2. @Hayhay: sure friend! lammunamang specialty ni mother yan!

    ReplyDelete
  3. Nakakaantig naman tong entry mo te! Try mong mag-coop ng Poody mo sa Resident Evil 5 magandang bonding moment din yung pumapatay ng zombies noh!

    ReplyDelete
  4. @Yieyie Atienza: tomoooh mam. Dati adik yan sa Tetris nung Famicom palang kami. Di natutulog teh. Lalo na siguro ngayon kung story-driven na ang mga kwento :)

    ReplyDelete
  5. Hahahaha! Model ng Tambunting si Poddy! At oo, winner talaga si Mother Goose. Miss ko na kamo siya at yung luto niya. :)

    ReplyDelete
  6. Naku maam, tama kang habang nandito pa sila eh pasayahin na lang natin sila kaysa bigyan ng sakit ng ulo. Nakakalungkot ngang isipin na talagang hindi sila pwede magstay forever sa buhay natin. Ako nga eh, hindi expressive na tao, as in alam mo yung pa-sweet na tulad ng ibang anak na madalas mag-ILOVEYOU sa magulang. Pero I am working on it, minsan ko nang nagawa yun na sabihan silang mahal ko sila from the bottom of my heart pero bata pa ko nun eh. Gusto kong maachieve eh yung gawin yun ngayong malaki na ako, at nagkakaedad na sila. Siguro mas ma-aapreciate at mapapasaya ko sila sa ganon. Wacha think? T_T

    ReplyDelete
  7. Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinagsususulat mo dito about them? Baka naman itakwil ka ng severe kung mabasa nila! Hehehe.

    ReplyDelete
  8. @alcarcalime: hahaha sige miss na rin namin pagpunta niyo sa bahay!

    ReplyDelete
  9. @Keiko Limjoco: isipin mo nalang te that every day is the best time to tell them you love them. Sabi nga sa isang musical, no day but today ;)

    ReplyDelete
  10. @Peter S: hahaha oo alam nila. actually sinulat ko lang dito lahat ng sinabi nila maliban dun sa finale comments ko hahaha :) thanks for reading, Pete!

    ReplyDelete